Early bird ako, pero late padin. atleast nauna ako sa prof namin. Sobrang basang basa pako ng ulan, *yan kasi napapala ng nagwawala ng payong! ^6x nako nawalan ng payong this college years. Kaya ayaw nako ibili ni mama kasi iwawala ko lang ulit, tulad nung panghuling payong ko. 300php bili niya dun, tapos a week ko lang nagamit. Anyway, ok naman yung simula ng martes ko. 8:30 na kami nagstart ng klase na dapat ay 7am SHARP!!
Artificial Intelligence ang subject namin, pero sa kadahilanang hindi ganun ka advance ang eskwelahan namin dahil narin sa gobyerno ang nagpapalakad nito, nauwi kami sa paggamit ng Visual Basic 6.0 NANAMAN!!! Pero sabi naman ni sir mag VB.Net kami baka next time, kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. First impression ko kay sir, parang strikto yung bang tipong bawal ang late, pero mali pala. Sabi niya kahit pumasok daw ng 9:59 late lang daw basta wag lang 10am. Di ko alam kung maniniwala ako o hindi.
Gumawa kami ng :
- Login
- Calculator
- Pop up Message
na sa totoo lang, review lang daw para marefresh yung utak namin.
After the class, may klase agad ako. 10-1 Economics 3. Hirap pag iregular ka hindi mo masyado kaclose yung mga klasmayt mo, tapos ang mangyayari ililipat pa ulit ng schedule ng Thusrday!! eh Conflict ako! so no choice, Wednesday nalng ng 4-7.
*Hindi naman sa naiinis ako, naiinis talaga ako siguro halos lahat naman ng estudyante naiinis kasi pabago bago yung schedule , pero wala naman kami dapat sisihin hindi naman nila kasalanan yun ata?? Tapos hanggang ngayon hindi pa pulido yung sched.
Pagkatapos ng Quiz namin about Economics, relationship to other subject, Dismiss na agad.. Malas pa may meeting ang computer studies ngayon eh di half day…
On my way home, medyo gutom na, kasi 2pc of pandesal lang kinain ko, hindi pa ata umabot sa lalamunan ko eh.
*MCDO MCFLOAT AND MEDIUM FRIES COMBO & 8pc HENZ KETCHUP (*bitin yung apat na ketchup sakin eh)
Tamang kain lang ng fries, soundtrip tapos roadtrip pa, sarap parang narelax ako sa maikling panahon. Nakataas na nga paa ko nun, parang nasa bahay lang, onti lang naman kasi tao sa bus that time kasi ng medyo patay na oras hindi rush hour.